Busog na busog ang aking puso sa matinding sama ng loob
Ipinipinid ko ang aking mata sa singaw ng kapighatian
idinuduyan ang aking diwa sa saliw ng kasiphayuan
Mistulan akong sanggol na bigkis sa lampin ng kawalang pag-asa
Tama nga sigurong sabihan akong taksil
dahil magpasahanggang ngayon ay di pa rin ako marunong magalit
kayat ginagawa kong hagdan ang mga kabiguan
at pagdududa ng karamihan sa aking katapatan
upang maikalat sa iba na kayganda ng daigdig
at kaysarap mabuhay sa kapayapaan
sa lipunang punong puno ng pagkalinga at pag-ibig!!!
No comments:
Post a Comment