Wednesday, May 30, 2012

Walang Binatbat

Ang mga demonyo ay walang isip!!! Dahil dalawang bagay lang ang kaya nilang gawin... Una ay ang maghasik ng lagim ng paulit ulit at walang kasawaan, Pangalawa ay ang magmistulang mga asong walang sariling isip kundi ang magsunod sunuran sa mga amo nilang mga kapangyarihan. Kawangis nila ang tangan nilang mga armas na wala ring isip, at dahil wala ngang mata ang mga balang tingga, naturalmente na kung saan ito patungo ay doon ito pupunta. Napakasarap mabuhay sa kapayapaan, kung kaya't patuloy akong magiging sundalo ng katwiran, patuloy na magiging siga ng lansangan, basurerong mapagtapon ng kaplastikan at kamalian, magsasakang mapagtanim ng kabutihan, Maton hanggang sa huling hininga ng aking paninindigan!!!

Mapangaraping Talunan

Handa akong laspagin at lustayin ang aking buhay sa habang buhay na pakikipagtunggali sa anino ng impyerno, alagad ng mga demonyo at sa mga tagahimod ng tumbong ni satanas!!! Hinihila man nila ako pababa ay hindi sila magtatagumpay dahil patuloy akong makikibaka sa tagumpay. Tagumpay hindi para sa aking sarili kundi para sa nakakarami, dahil para sa mga mangmang ang masamang ginagawa ay nagiging tama kung ito ay ginagawa ng mga makapangyarihan!!! Nangagmimistulan silang mga susiang robot na sunod sunuran at asong bahag ang buntot sa kanilang mga among buktot na inaanay ang mga budhi sa kasamaan!!! Kung kinakailangan mang pansamantala kong palitan sa trono si satanas ay gagawin ko matagumpay lang na mapalitan ang mga lumang kalakaran, mga patakaran, panakot ng mga relihiyong pasan, mga palabas ng mga mapag imbot na mga banal, mga seremonyas at ritwal at sa halip ay katarungan at dangal!!! At kung noon ang naghahari ay galit, ngayon ang papalit pakikitungong di mapagkait, pagkakaugnay ugnay, pagkakapantay pantay, bagong araw, bagong sisiglang gabay, bagong buwan, bagong tipan, bagong buhay!!!

TAKSIL

Busog na busog ang aking puso sa matinding sama ng loob Ipinipinid ko ang aking mata sa singaw ng kapighatian idinuduyan ang aking diwa sa saliw ng kasiphayuan Mistulan akong sanggol na bigkis sa lampin ng kawalang pag-asa Tama nga sigurong sabihan akong taksil dahil magpasahanggang ngayon ay di pa rin ako marunong magalit kayat ginagawa kong hagdan ang mga kabiguan at pagdududa ng karamihan sa aking katapatan upang maikalat sa iba na kayganda ng daigdig at kaysarap mabuhay sa kapayapaan sa lipunang punong puno ng pagkalinga at pag-ibig!!!