Thursday, December 13, 2012
SALAMAT
Itinakwil ko ang pakikisaya sa rangya ng mga nasa alta-sosyedad...
Pinandirihan ko ang kanilang mga layaw, asta at galaw...
Nakidama ako sa inyong mga tangis at panaghoy...
Kaya sana damhin nyo rin ang sa akin... salamat!!!
Saturday, November 3, 2012
Katwiran
Maging makatwiran sa lahat ng oras, sa lahat ng panahon, sa lahat ng pagkakataon...
Makikita mo, magiging masama ang tingin sa yo ng mga totoong masasamang tao!!!
Sigalot
Sa panahon ngayong laganap na ang kasamaan...
lubhang nakakatakot nang gumawa ng kabutihan...
kaya wag kakasiguro sa yong mga nakakasalubong sa daan...
maging sa mga nakaupo sa trono ng kabanalan...
o sa mga tituladong propesyonal sa lipunan...
lalo't higit sa mga nasa tuktok ng kapangyarihan...
lingon sa kaliwa... lingon sa kanan!!!
Tuesday, September 25, 2012
TAKOT
Huwag pamuhayin ang takot sa inyong mga puso....
Manindigan sa kung ano ang tama at wasto...
Ngayon... kung sangkot na yung may mga kapangyarihan
sa mga dapat hulihin, dapat ikulong, at dapat papanagutin sa mga nangyayaring krimen at mga kaguluhan...
Magsimula na kayong matakot!!!
Friday, August 31, 2012
Bura
Kung buburahin lamang sana ng bawat isa sa atin ang kultura ng pagkasindak,
ay mangingibabaw ang makatwirang uri ng tapang,
ng angas na protektahan ang ating mga pinapahalagahan
at ipamukha sa ating mga walang pusong pinapatungkulan
na hindi na kailangan ng dahas.
Pwede namang umiral ang bawat isa ng buong
kapayapaan at katahimikan.
Wednesday, May 30, 2012
Walang Binatbat
Ang mga demonyo ay walang isip!!!
Dahil dalawang bagay lang ang kaya nilang gawin...
Una ay ang maghasik ng lagim ng paulit ulit at walang kasawaan,
Pangalawa ay ang magmistulang mga asong walang sariling isip
kundi ang magsunod sunuran sa mga amo nilang mga kapangyarihan.
Kawangis nila ang tangan nilang mga armas na wala ring isip,
at dahil wala ngang mata ang mga balang tingga,
naturalmente na kung saan ito patungo ay doon ito pupunta.
Napakasarap mabuhay sa kapayapaan,
kung kaya't patuloy akong magiging sundalo ng katwiran,
patuloy na magiging siga ng lansangan,
basurerong mapagtapon ng kaplastikan at kamalian,
magsasakang mapagtanim ng kabutihan,
Maton hanggang sa huling hininga ng aking paninindigan!!!
Mapangaraping Talunan
Handa akong laspagin at lustayin ang aking buhay sa habang buhay na pakikipagtunggali sa anino ng impyerno, alagad ng mga demonyo at sa mga tagahimod ng tumbong ni satanas!!! Hinihila man nila ako pababa ay hindi sila magtatagumpay dahil patuloy akong makikibaka sa tagumpay.
Tagumpay hindi para sa aking sarili kundi para sa nakakarami, dahil para sa mga mangmang ang masamang ginagawa ay nagiging tama kung ito ay ginagawa ng mga makapangyarihan!!! Nangagmimistulan silang mga susiang robot na sunod sunuran at asong bahag ang buntot sa kanilang mga among buktot na inaanay ang mga budhi sa kasamaan!!!
Kung kinakailangan mang pansamantala kong palitan sa trono si satanas ay gagawin ko matagumpay lang na mapalitan ang mga lumang kalakaran, mga patakaran, panakot ng mga relihiyong pasan, mga palabas ng mga mapag imbot na mga banal, mga seremonyas at ritwal at sa halip ay katarungan at dangal!!!
At kung noon ang naghahari ay galit, ngayon ang papalit pakikitungong di mapagkait, pagkakaugnay ugnay, pagkakapantay pantay, bagong araw, bagong sisiglang gabay, bagong buwan, bagong tipan, bagong buhay!!!
TAKSIL
Busog na busog ang aking puso sa matinding sama ng loob
Ipinipinid ko ang aking mata sa singaw ng kapighatian
idinuduyan ang aking diwa sa saliw ng kasiphayuan
Mistulan akong sanggol na bigkis sa lampin ng kawalang pag-asa
Tama nga sigurong sabihan akong taksil
dahil magpasahanggang ngayon ay di pa rin ako marunong magalit
kayat ginagawa kong hagdan ang mga kabiguan
at pagdududa ng karamihan sa aking katapatan
upang maikalat sa iba na kayganda ng daigdig
at kaysarap mabuhay sa kapayapaan
sa lipunang punong puno ng pagkalinga at pag-ibig!!!
Friday, March 23, 2012
Tunggalian sa Loob ng Sarili
Dahil nakakulong ako sa tahimik at mapayapang kaayusan...
di ko maipangalandakan ang aking mapanupil at bayolenteng katauhan!!!
di ko maipangalandakan ang aking mapanupil at bayolenteng katauhan!!!
PASIKATAN
Ang buhay ay hindi pasikatan
Tanging ang haring ARAW lang ang may karapatang sumikat.
kung siya nga kaya mismo ay kusang lumulubog,
tayo pa kayang tao ang hindi?
Tanging ang haring ARAW lang ang may karapatang sumikat.
kung siya nga kaya mismo ay kusang lumulubog,
tayo pa kayang tao ang hindi?
Sunday, March 11, 2012
Butil
Gabutil man ng mustasa ang yong paniniwala at pananalig sa Kanya ay sapat na yan upang maitulak mo ang bundok sa lugar na nais mong kalagyan nito.
Tuesday, January 31, 2012
Pakikipagkapwa-Tao at Pakikisama
Habang ako'y nag-iisip at nag-eeksamin sa sayantepikong estado ng aking matinding kalungkutan, kalungkutan lang naman yan... ay napag-alaman ko na malaki pala ang pagkakaiba ng PAKIKIPAGKAPWA TAO sa PAKIKISAMA. Sa pakikisama kasi ay gumagawa ka ng BUTI SA KAPWA mo subalit lagi at lagi na NAGHIHINTAY KA NG KAPALIT NA PAGTUGON, PAGMAMAHAL AT PAGKALINGA sa mga taong ginawan mo ng buti. Subalit kung talagang makikipagkapwa tao ka ay hindi ka na maghihintay ng anumang kapalit o KABAYARAN sa anumang buti na iyong nagawa o gagawin pa.
Kaya salamat ng marami PANGINOON sa pagpapaintindi sa akin. Makikipagkapwa tao na lang ako, hindi na lang ako makikisama para hindi na sumasama ang aking loob at hindi na lumalabas lagi at lagi na lang na ako pa ang masama.
Kaya kayong mga MAGAGANDA wag na wag kayong mag-alala, patuloy ko kayong pakamamahalin, at kayo namang mga PANGET at NUKNUKAN NG ITIM NA MGA BUDHI NA INAANAY SA KABULUKAN, wag na rin kayong mag-alala, malapit ko na rin kayong mahalin. hehehe
Kaya salamat ng marami PANGINOON sa pagpapaintindi sa akin. Makikipagkapwa tao na lang ako, hindi na lang ako makikisama para hindi na sumasama ang aking loob at hindi na lumalabas lagi at lagi na lang na ako pa ang masama.
Kaya kayong mga MAGAGANDA wag na wag kayong mag-alala, patuloy ko kayong pakamamahalin, at kayo namang mga PANGET at NUKNUKAN NG ITIM NA MGA BUDHI NA INAANAY SA KABULUKAN, wag na rin kayong mag-alala, malapit ko na rin kayong mahalin. hehehe
PATAPON
Kung di mo man ako tignan,
OK lang sa kin yun,
Pero kung pag-uukulan mo ako
sa yong walang malay na pag-iisip
tulad ng iyong panaginip
ay napakalaking bagay na sa kin yun.
Sino ba naman ako para tumanggi?
Aminado ako na ang buhay ko ngayon ay patapon,
pero kung tatapunan mo ng kahit katiting na pagmamahal,
sobra sobra na sa kin yun.
Ang tao pag inaantok ay dapat matulog,
pag pagod ay dapat magpahinga,
pag nagsasawa ay kailangang magpalit ng iba,
pero wag kang mag-alala,
dahil di ako aantukin, mapapagod o magsasawa
sa pagkalinga sayo.
OK lang sa kin yun,
Pero kung pag-uukulan mo ako
sa yong walang malay na pag-iisip
tulad ng iyong panaginip
ay napakalaking bagay na sa kin yun.
Sino ba naman ako para tumanggi?
Aminado ako na ang buhay ko ngayon ay patapon,
pero kung tatapunan mo ng kahit katiting na pagmamahal,
sobra sobra na sa kin yun.
Ang tao pag inaantok ay dapat matulog,
pag pagod ay dapat magpahinga,
pag nagsasawa ay kailangang magpalit ng iba,
pero wag kang mag-alala,
dahil di ako aantukin, mapapagod o magsasawa
sa pagkalinga sayo.
SOBRA
Kung tutuusin,
ang lahat ng sobra
dapat ipamahagi sa iba,
pero sa panahon ngayon
ay wala nang sobra,
dahil lahat ng sobra...
itinatago ng iba!!!
ang lahat ng sobra
dapat ipamahagi sa iba,
pero sa panahon ngayon
ay wala nang sobra,
dahil lahat ng sobra...
itinatago ng iba!!!
Thursday, January 12, 2012
Batid Ko Na
batid ko na...
tanggap ko na...
na ang mga pilosopong tulad ko
ay nakatadhanang mamuhay
sa estado ng matinding kasiphayuan
ibayong kapighatian
at walang hanggang kalungkutan.
Kaya kayo...
kayong mapapalad na makakatamasa
ng mga kaginhawaan
kaalwahan sa buhay
mga pinagpalang kasaganaan
nawa'y maalala nyo lahat ng galit ko
at mapalitan nyo ng matinding pagmamahal
sa isa't isa...
sa inyong mga kapwa taong higit na nangangailangan
nawa'y matutunan nyong makidama
sa panaghoy ng mga maralita...
sa mga hinubdan ng dangal...
sa mga binusabos ng tadhana...
sa mga tinanggalan ng karapatan na mamuhay ng marangal...
sa mga inaglahi ng kapalaran...
sa palit palit na salinlahi ng mga inaliping
walang boses na tutulan ang mga sistemang umiiral...
tanggap ko na...
na ang mga pilosopong tulad ko
ay nakatadhanang mamuhay
sa estado ng matinding kasiphayuan
ibayong kapighatian
at walang hanggang kalungkutan.
Kaya kayo...
kayong mapapalad na makakatamasa
ng mga kaginhawaan
kaalwahan sa buhay
mga pinagpalang kasaganaan
nawa'y maalala nyo lahat ng galit ko
at mapalitan nyo ng matinding pagmamahal
sa isa't isa...
sa inyong mga kapwa taong higit na nangangailangan
nawa'y matutunan nyong makidama
sa panaghoy ng mga maralita...
sa mga hinubdan ng dangal...
sa mga binusabos ng tadhana...
sa mga tinanggalan ng karapatan na mamuhay ng marangal...
sa mga inaglahi ng kapalaran...
sa palit palit na salinlahi ng mga inaliping
walang boses na tutulan ang mga sistemang umiiral...
Monday, January 9, 2012
Sigang Di Nananakit
Ako ang siga na hindi marunong manakit,
ngayon, kung meron mang lalabas jan at magdedeklara na siga din sya, eh di dalawa na kami,
subalit kung ang tanging hangarin nya ay ang manakit,
pag aaralan ko na rin ang kanyang lengwahe,
uunahan ko na cya para di pa makapanakit!!!
ngayon, kung meron mang lalabas jan at magdedeklara na siga din sya, eh di dalawa na kami,
subalit kung ang tanging hangarin nya ay ang manakit,
pag aaralan ko na rin ang kanyang lengwahe,
uunahan ko na cya para di pa makapanakit!!!
Thursday, January 5, 2012
Tuesday, January 3, 2012
Titik sa Bibliya
ang titik sa bawat salita ng bibliya
ay isang magandang halimbawa,
na kung hindi natin isasabuhay
ay maihahalintulad na rin tayo sa mga patay!
ay isang magandang halimbawa,
na kung hindi natin isasabuhay
ay maihahalintulad na rin tayo sa mga patay!
Manipis at Makapal
manipis pa nga ang katawan mo, pero timbang...
bakit?
kasi... sa mukha ka bumabawi!
you're highly proportional....
bakit?
kasi... proportional ang katawan mo
sa mukha mo, parehas silang makapal!
bakit?
kasi... sa mukha ka bumabawi!
you're highly proportional....
bakit?
kasi... proportional ang katawan mo
sa mukha mo, parehas silang makapal!
Subscribe to:
Posts (Atom)