Isa na namang eleksyon ang nakalipas.
Marami pang eleksyon ang sasapit,
Subalit ano ang kapalit?
para sa sambayanang parati na lang gipit?
Kaya't sa patalim ay kumakapit?
Pumapayag pahagupit,
sa tadhanang walang kasing pait!
Daming kandidato ang tumatakbo,
Subalit konti lang ang me prinsipyo,
at kung ang madla man ay boboto,
Siguradong ang mananalo
ay yaong mga walang modo!
abusado!
tarantado!
aristokrato!
sindikato!
el bobo dela gago!!!
No comments:
Post a Comment