Thursday, November 11, 2010

Sinangag na Ampaw sa Malambot na Apa

Kung ang utak mo ay mistulang sinangag na ampaw na nakasilid sa malalim na balon ng napakalambot na apa ay iyong iyo na ang utak mo. Iyong iyo na ang mundo mo. Ibigay mo man sa akin ng libre ay hinding hindi ko pagnanasaan. Baka madaganan pa ako. Baka mayarak pa ako ng mundo mo. Yun ang ayaw kong mangyari.

KONPRONTA

Higit mang mabaho pa kaysa alimuom na mula sa lupa galing sa singaw ng mga patay na daga ang yong ugali at asta ay wag kang mag-alala, hinding hindi kita uumbagin dahil kahit na gaelepante ang aking mga kamao ay di uubra sa kapal ng yong mukha!

ELEKSYON

Isa na namang eleksyon ang nakalipas.

Marami pang eleksyon ang sasapit,

Subalit ano ang kapalit?

para sa sambayanang parati na lang gipit?

Kaya't sa patalim ay kumakapit?

Pumapayag pahagupit,

sa tadhanang walang kasing pait!



Daming kandidato ang tumatakbo,

Subalit konti lang ang me prinsipyo,

at kung ang madla man ay boboto,

Siguradong ang mananalo

ay yaong mga walang modo!

abusado!

tarantado!

aristokrato!

sindikato!

el bobo dela gago!!!