Tuesday, January 31, 2012

Pakikipagkapwa-Tao at Pakikisama

Habang ako'y nag-iisip at nag-eeksamin sa sayantepikong estado ng aking matinding kalungkutan, kalungkutan lang naman yan... ay napag-alaman ko na malaki pala ang pagkakaiba ng PAKIKIPAGKAPWA TAO sa PAKIKISAMA. Sa pakikisama kasi ay gumagawa ka ng BUTI SA KAPWA mo subalit lagi at lagi na NAGHIHINTAY KA NG KAPALIT NA PAGTUGON, PAGMAMAHAL AT PAGKALINGA sa mga taong ginawan mo ng buti. Subalit kung talagang makikipagkapwa tao ka ay hindi ka na maghihintay ng anumang kapalit o KABAYARAN sa anumang buti na iyong nagawa o gagawin pa.
Kaya salamat ng marami PANGINOON sa pagpapaintindi sa akin. Makikipagkapwa tao na lang ako, hindi na lang ako makikisama para hindi na sumasama ang aking loob at hindi na lumalabas lagi at lagi na lang na ako pa ang masama.
Kaya kayong mga MAGAGANDA wag na wag kayong mag-alala, patuloy ko kayong pakamamahalin, at kayo namang mga PANGET at NUKNUKAN NG ITIM NA MGA BUDHI NA INAANAY SA KABULUKAN, wag na rin kayong mag-alala, malapit ko na rin kayong mahalin. hehehe

PATAPON

Kung di mo man ako tignan,
OK lang sa kin yun,
Pero kung pag-uukulan mo ako
sa yong walang malay na pag-iisip
tulad ng iyong panaginip
ay napakalaking bagay na sa kin yun.
Sino ba naman ako para tumanggi?


Aminado ako na ang buhay ko ngayon ay patapon,
pero kung tatapunan mo ng kahit katiting na pagmamahal,
sobra sobra na sa kin yun.


Ang tao pag inaantok ay dapat matulog,
pag pagod ay dapat magpahinga,
pag nagsasawa ay kailangang magpalit ng iba,
pero wag kang mag-alala,
dahil di ako aantukin, mapapagod o magsasawa
sa pagkalinga sayo.

SOBRA

Kung tutuusin,
ang lahat ng sobra
dapat ipamahagi sa iba,
pero sa panahon ngayon
ay wala nang sobra,
dahil lahat ng sobra...
itinatago ng iba!!!

Thursday, January 12, 2012

Batid Ko Na

batid ko na...
tanggap ko na...
na ang mga pilosopong tulad ko
ay nakatadhanang mamuhay
sa estado ng matinding kasiphayuan
ibayong kapighatian
at walang hanggang kalungkutan.

Kaya kayo...
kayong mapapalad na makakatamasa
ng mga kaginhawaan
kaalwahan sa buhay
mga pinagpalang kasaganaan

nawa'y maalala nyo lahat ng galit ko
at mapalitan nyo ng matinding pagmamahal
sa isa't isa...
sa inyong mga kapwa taong higit na nangangailangan
nawa'y matutunan nyong makidama
sa panaghoy ng mga maralita...

sa mga hinubdan ng dangal...
sa mga binusabos ng tadhana...
sa mga tinanggalan ng karapatan na mamuhay ng marangal...
sa mga inaglahi ng kapalaran...
sa palit palit na salinlahi ng mga inaliping
walang boses na tutulan ang mga sistemang umiiral...

Monday, January 9, 2012

Sigang Di Nananakit

Ako ang siga na hindi marunong manakit,
ngayon, kung meron mang lalabas jan at magdedeklara na siga din sya, eh di dalawa na kami,
subalit kung ang tanging hangarin nya ay ang manakit,
pag aaralan ko na rin ang kanyang lengwahe,
uunahan ko na cya para di pa makapanakit!!!

Thursday, January 5, 2012

Mahal na Kaaway

Mahalin mo ang iyong kaaway,
at pag mahal ka na rin nya....
Saka mo kutusan!

Tuesday, January 3, 2012

Titik sa Bibliya

ang titik sa bawat salita ng bibliya
ay isang magandang halimbawa,
na kung hindi natin isasabuhay
ay maihahalintulad na rin tayo sa mga patay!

Manipis at Makapal

manipis pa nga ang katawan mo, pero timbang...
bakit?
kasi... sa mukha ka bumabawi!



you're highly proportional....
bakit?
kasi... proportional ang katawan mo
sa mukha mo, parehas silang makapal!

Mukhang Nanay

mukha ka pa ngang nanay...
bakit?
kasi.. . nanay ka ng magiging anak ko!

Wag Kikilos

wag kayong kikilos ng masama...
dahil masasama na kayo!

Pagkain ay Sapat

ang pagkain ay sapat para sa lahat
mayroon lang mga taong sadyang madamot!